LABINGSIYAM na gold medals ang nakataya sa centerpiece athletics competition sa 2024 Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games na magsisimula ngayong Lunes sa Bicol University track and field stadium sa Legazpi. Albay.
Mahigit 10,000 athletes, coaches at officials mula sa 17 rehiyon ang lalahok sa torneo, na sisimulan sa men’s 5,000-meter event sa alas-6 ng umaga, na susundan ng boys’ 5,000-m, women’s shot put, men’s long jump, girls’ shot put at boys’ long jump.
Nakatakda sa hapon ang girls’ 400m hurdles, men’s shot put, at women’s long jump; na susundan ng women’s 400m hurdles, boys’ 400m hurdles, men’s 400m hurdles, boys’ shot put, girls’ long jump, girls’ 100m, women’s 100m, boys’ 100m, men’s 100m, at women’s 5,000m.
Sampung gold medals ang paglalabanan sa weightlifting sa Gogon Elementary School covered court. Ang mga event ay ang boys’ at men’s 50kg, men’s 54kg, women’s 48kg, 49kg, 52kg, 56kg at 61kg, at girls’ 40kg at 53kg.
Ang dancesport na gaganapin sa Legazpi City Convention Center ay may nakatayang tig-2 gold medals sa Latin America at Modern Standard categories sa youth at senior divisions.
Ang Games ay tatampukan din ng archery, badminton, baseball, basketball, 3×3 basketball, beach volleyball, billiards, boxing, chess, football, gymnastics, karatedo, sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at indoor volleyball.
CLYDE MARIANO