MAKATI CITY – IPINAKILALA ng Palo Alto Networks (NYSE:PANW) ang bagong paraan para maging ligtas ang data o file folder na nasa cloud at ito ay ang Prisma.
Sinabi ni Oscar Visaya, country manager, Philippines Palo Alto, malaki ang maitutulong ng Prisma para matiyak ng mga negosyante na safe ang kanilang data na hindi kumplikado dahil pinasimple ito.
Nilikha ang Prisma para sa pangangailangang seguridad ng mga impormasyong itinatago sa cloud ng iba’t ibang negosyo.
Naniniwala ang PANW na ang Prisma ang makatutugon para sa nais na data protection ng kanilang kostumer
“Our approach to cloud security is aimed at delivering the best security while embracing the unique needs of the cloud. We provide customers with complete visibility as well as recommended configurations across their entire cloud environment to ensure a strong security posture from the start and consistently prevent attacks,” ayon naman kay Lee Kalrich, chief product officer ng PANW.
Tiniyak din ng PANW na kayang ibigay ng Prisma ang kailangan ng kanilang mga costumer gaya ng mabilis na access subalit mapoproteksiyunan ang data at ligtas na apps kung saan may apat na key components ang mga ito gaya ng Prisma Access, Prisma Public Cloud, Prisma SAssS at VM-Series. EUNICE C.
Comments are closed.