PRISON RECORDS GAWING DIGITAL– GORDON

Dick Gordon

IMINUNGKAHI ni  Senador Dick Gordon sa Bureau of Corrections (BuCor)  na gawing digital ang records ng mga bilanggo sa buong bansa.

Layon nito, ani Gordon na magkakaroon ng accurate na tala sa kanilang ‘time served in prison’.

Ang reaksiyon nito ni Gordon ay alinsunod sa naging pahayag ni BuCor Chief Nicanor Faeldon na nasa 1,000 mga inmate ang napapalaya sa lahat ng penal colonies sa bansa dahil sa implementasyon Republic Act No. 10592 or the Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Paliwanag ng senador, napakahalaga na magkaroon ng full automation sa mga prison records para maayos na masusubaybayan ang good conduct time allowance ng bawat preso.

“There shall be full automation of prison records. It is important that their time served and their good conduct time allowance are properly documented and accounted. Wala dapat dayaan diyan na kapag malakas ka sa warden, makakalibre ka,” giit ni Gordon.

Gayundin, binigyang diin ng senador ang tamang pagpapatupad sa  Implementing Rules and Regulations (IRR) ng R.A. No. 10592 na kung saan isinasaad na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay dapat magka-roon ng computer-generated o automated template para ma-monitor ang kilos at pagbabagong ipinapakita ng bawat bilanggo. VICKY CERVALES

Comments are closed.