PRIVATE HOUSEHOLDS BINAWALAN MAGSAGAWA NG FIREWORKS DISPLAY

BAWAL ang mga private households na magsagawa ng kanilang sariling fireworks display.

Ito ang nakasaad sa inilabas na Executive Order No. 26 ni Mayor Honey Lacuna kabilang ang ilan pang ipinagbabawal na paputok at papayagan lamang ang fireworks sa permitted staging areas na may kaukulang special permits na in-apply sa Bureau of Permits, tatlong araw bago ang event.

Ayon kay Lacuna, ang pamahalaang lungsod ay naglabas ng listahan ng firecrackers at pyrotechnic devices na papayagan na gamitin sa community fireworks display areas at ang impormasyon ay naikalat na sa mga barangay sa pamamagitan city’s social media accounts.

Ang mga ipinagbabawal para gamitin, manufacture, sale of distribution sa Maynila ay ang mga walang kaukulang labels; mga nagtataglay ng sulfur o phosphorus combined with chlorates; mga oversized na may maikling fuse na nagde-detonate sa loob ng tatlong segundo at iba pa na maaaring maglagay sa panganib sa buhay, mga braso at kamay gaya ng pagdetermina ng Philippine National Police.

Ang applicants para sa permit ay kinakailangan na sumunod sa safety guidelines bago at habang isinasagawa ang fireworks display at pagkatapos nito. Kabilang dito ay presensya ng standby firetrucks, lima o higit pang lookouts o security guards na nakapwesto sa strategic areas para magsilbi bilang fire suppression team kung sakaling magkakaroon ng sunog. Mayroong din team of first-aid medical personnel na naka- standby at tiyakin ang maayos na pagtatapon ng debris at waste fragments pagkatapos ng event.

Idinagdag pa ng alkalde na ang kanyang inilabas na EO ay para lamang protektahan ang mga tahanan at mga istruktura kontra sa incidental fires gayundin para sa kaligtasan ng mga residente. VERLIN RUIZ