‘PRIVATE NURSES’, MAY UMENTO RIN

PRIVATE NURSES

NANINIWALA ang isang ranking house official na kapag naipatupad ng Duterte administration ang kautusan ng Supreme Court (SC) na itaas ang sahod ng mga nurse na nasa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, maging ang private nurses ay madaragdagan na rin ang buwanang suweldo.

Kasabay nito, inihayag ni House Committee on Health Vice-Chairman at Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor ang kanyang suporta sa pagnanais ng Senado na maisama sa aaprubahang 2020 national budget ang paglaan ng P3.18 bilyon para sa salary increase ng government nurses.

“We welcome the Senate’s move to simply charge the P3.18 billion to the Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF) in the budget, as we originally proposed,” ang pahayag pa ng kongresista, na siya ring chairman ng ibinuong bagong komite sa lower house na Public Accounts Committee.

Magugunita na noong nakaraang Oktubre ay kinatigan ng high tribunal ang petisyon ng former party-list organization na Ang Nars, na humihiling na maipatupad ang itinatakda sa Republic Act 9173 o ang Philippine Nursing Act of 2002.

Partikular dito ang probisyon na maging sakop ng Salary Grade 15 o katumbas ng P30,531 monthly base pay ang mga nurse sa government agencies, sa halip na nasa Salary Grade 11 (P20,754) lamang.

Umaasa si Defensor na dahil kapwa nagnanais ang dalawang kapulungan ng Kongreso na tumalima sa SC ruling at bilang pagkilala na rin sa mala­king kontribusyon ng government nurses sa pagpapaabot ng serbisyong medikal sa taumbayan, ay maaaprubahan ang pagtatakda ng nasabing budget sa susunod na taon.

“We want the higher base pay implemented right away, not just for the benefit of our nurses in government, but also because it will put an upward pressure on the salaries of their counterparts in the private sector,” dagdag pa niya.

Dahil tataas na aniya ang sahod ng mga nurse sa gobyerno, sinabi ni Defensor kinakailangang sumunod dito ang nasa pribadong sektor upang makasi­guro sila na mapupunan ang kinakailangan nilang nursing staff.

“Private hospitals will have to raise their starting pay rates as well, if they want to attract continuous supply of nursing staff, many of whom are raring to leave the country in search of greener pasture overseas,” mariing sabi ni Defensor. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.