PRIVATE SCHOOLS AND ADMIN UMAPELA NG AYUDA

UMAPELA  ang Federation of Associations of Private Schools and Administrators ng ayuda mula sa Department of Labor and Employment.

Bagaman pinuri ni FAPSA President Eleazardo S. Kasilag ang P1-bilyong COVID Adjustment Measure Program ng DOLE, sinabi niya na higit na dapat bigyan ng konsiderasyon ang mga pribadong paaralan na patuloy na nakakaramdam ng epekto ng  pan­demya.

Ang safety net prog­ram na nagbibigay ng isang beses na tulong pinansiyal sa mga apektadong manggagawa sa pormal na sektor dahil sa pandemya ng Covid19 at deklarasyon ng Alert Level 3 o mas mataas sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni Kasilag na ang mga nakinabang na mula sa CAMP sa panahon ng pagpapatupad ng Bayanihan 1 at 2 ay “hindi kasama” sa CAMP 2022.

“But it has to be understood that small private schools are in the worst situation now,” dagdag pa ni Kasilag.

Aniya, kailangan na ng ayuda sa mga pribadong eskwelahan.

“The school owners had been operating in a bankrupt position but had to hang on to dear life to save teachers, who also have nothing to cling to,” ayon kay opisyal.

“We need this DOLE ‘ayuda’ now,” dagdag pa nito.  LIZA SORIANO