PRIVATE TV STATIONS PINATUTULONG SA ‘EDUCATIONAL SHOWS’

Rep Niña Taduran-2

NANAWAGAN si House Assistant Majority Floor Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran sa lahat ng pribadong media networks na makipagtulungan sa ‘blended learning scheme’ na ipinatutupad ng pamahalaan sa gitna ng umiiral ma pandemya.

Paggigiit ng ranking lady house official, dapat ibalik ng mga private broadcast network ang kanilang programang pambata upang makatulong sa pagpapalawak at pag-unlad ng bokabularyo at kaalaman lalo na sa mathematics, gayundin ang pagsusulong ng kagandahang asal.

Panawagan ni Taduran na aktibong makipagtulungan ang media networks sa Department of Education (DepEd) sa posibleng produksyon ng mga bagong educational show.

Ipinaalala nito sa media networks na may obligasyon ang mga ito na gumawa ng mga palatuntunang pambata alinsunod na rin sa itinatakda ng Broadcast Code of 2007 ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

“Sa ilalim ng Broadcast Code ng KBP, dapat ay 15% ng mga programa sa telebisyon at radyo ay para sa mga bata. It is the responsibility of the tv and radio stations to promote mental, physical, social and emotional development of the children through their programs,”  pagbibigay-diin pa niTaduran.

Samantala, nanawagan ang mambabatas sa lahat na halip na punahin ang mga pagkakamali ng Deped sa ipinamamahagi nitong learning modules, tulungan na lamang ang ahensiya na mapaunlad ang ‘distance learning system’ nito. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.