ISINAGAWA na ang alitan sa puwesto nina outgoing PBrigadier General Valeriano T. De Leon at incoming Police Regional Office 3 Regional Director PBGen Matthew P. Baccay, kahapon sa Camp Olivas, Pampanga.
Pinagunahan ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang Change of Command sa PRO3 Grandstand, Camp Olivas, sa City of San Fernando.
Nabatid na ang bagong regional director ay dati na rin na na-assign sa nasabing rehiyon bilang Chief, Comptrollership Division at Chief, Regional Intelligence Division, kaya hindi na bago sa kanya ang trabaho sa Central Luzon.
Aniya, ang maitalaga bilang regional director ay mapanghamon sa kanya dahil sa dalawang dahilan, una ang PRO3 ay itinanghal na Best Regional Police Office at ikalawa dahil si De Leon ay isa sa mga hinahangaan niyang senior officer at karangalan niya na sumunod sa kanyang yapak.
As we are in the new normal, let us have no let-up in our mandated tasks.
Idinagdag pa nito na malapit na ang Kapaskuhan at siguradong tataas na naman ang crimes against properties kasabay din ang paghahanda sa ating nalalapit na National at Local elections.
Si Baccay ay kabilang sa PMA Class ’92 Tanglaw-Diwa at ang huling tour of duty nito ay bilang District Director ng Eastern Police District.
Samantala manunungkulan naman bilang Director ng PNP Civil Security Group si PBGEN De Leon, matapos ang compulsory retirement ni PMaj. Gen. Ferdinand Daway. THONY ARCENAL