SINIGURO ng BBM-Sara UniTeam na ang kanilang diplomatic policy ay hindi para sa interes ng ibang bansa o alinmang superpower nation kundi para isulong lang ang kapakanan ng Pilipinas at ng mga mamamayan.
Sa panayam ng social media influencer na si Thinking Pinoy, agad itong sinagot ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ng “pro-Philippines” nang tanungin siya kung magiging anti-or pro-US o China ba ang polisiya niya sakaling maluklok bilang pangulo ng bansa.
“Pro-Philippines, I’ve always said that,” ayon kay Marcos.
“When asked, are you pro-Philippines? Pro-China? Pro-US? Well it’s very simple in my mind. I don’t work for Washington DC, I don’t work for Beijing, I work for the Philippines, so what is in the national interest of the Philippines? ‘Yun lang naman dapat ang ating isipin. ‘Yun ang ipaglaban natin,” sinabi pa ni Marcos.
Ani Marcos nauunawaan niya na mayroon tayong sigalot sa pagitan ng China dahil sa agawan sa West Philippine Sea pero siniguro nito na anuman ang magiging desisyon niya ay siguradong para sa kapakanan ng bawat Pilipino.
“You cannot afford over mistakes or misjudgments or lack of understanding of policy when it comes to the Department of Foreign Affairs (DFA) when it comes to foreign policy. We have to get it absolutely right,” paliwanag ni Marcos.
“The Philippines right now is trying to walk a very fine line between all the superpowers. I mean, we are talking to the United States, we have special relationship with the US, which will endure, I think through all over our lifetime,” wika niya.
“Now the emerging power in the region, of course, is the People’s Republic of China. Luckily, we also have a good relationship with China,” dagdag pa niya.
Tinukoy pa ni Marcos ang kahalagahan ng pagtatalaga ng isang mahusay na kalihim ng Department of Foreign Affairs na siguradong nauunawaan at tiyak na makatutulong para sa mas maayos nating relasyon sa ibang mga bansa.
“Well, it might still be considered a political appointment, but it has to be somebody who is very well versed in the diplomatic community and the most important thing is well-supported siya ng mga career officers,” ani Marcos.