NAKUMPLETO ng Pioneer Pro Tibay ang kanilang Cinderella story sa PBA 3×3 nang pataubin ang Sista Super Sealers, 12-10, at pagharian ang Second Conference grand finals kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Abante ang Pro Tibay mula sa umpisa at pagkatapos ay nalusutan ang paghahabol ng Super Sealers upang selyuhan ang panalo.
Naiuwi ng Pro Tibay ang P750,000 premyo.
Nauna rito ay nagkasya ang Barangay Ginebra sa third place sa pamamagitan ng 21-16 panalo kontra TNT.
Nagbuhos si pro-bound Jolo Go ng game-high 11 points para sa Kings, na ang 5-on-5 team ay napanatili ang PBA Governors’ Cup crown noong nakaraang linggo.
Naisubi ng Ginebra ang P100,000 premyo.
Iskor:
3rd place:
Ginebra (21) – Go 11, David 5, Villamor 4, Serrano 1.
TNT (16) – Vosotros 8, De Leon 5, Javier 2, Acuno 1.
Finals:
Pioneer (12) – Abrigo 4, Rivera 4, Rono 2 Escalambre 2
Sista (10) – Jamon 6, Manlangit 2, Gabawan 1, Mocon 1