PROACTIVE POLICIES SA FILIPINO MIGRANTS KINILALA NG UNESCO

migrant

KINILALA ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang proactive policies ng Filipinas sa pagbibigay ng training at edukasyon sa mga nagbabalik na Filipino migrants.

Base sa 2019 Global Education Monitoring (GEM) report ng UNESCO na may temang “Migration, Displacement and Education: Building Bridges, Not Walls,” pinuri nito ang mga kasanayan ng mga pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat gayundin ang mga magagandang polisiya para sa kapakanan ng mga manggagawa.

Ayon kay GEM report director Manos Antoninis, kahanga-hanga ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang maging handa ang mga manggagawa bago isabak sa trabaho sa ibang bansa.

Karamihan sa mga overseas Filipino worker (OFW) ay sinasanay muna sa ilalim ng mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bago idine-deploy sa iba’t ibang bansa.            DWIZ882

Comments are closed.