NAGHAIN ng resolusyon ang dalawang senador para imbestigahan ang kahandaan ng Pilipinas sa monkeypox virus.
Isinulong nina Senators Bong Go at Robin Padilla na magkaroon ng Senate inquiry sa kahandaan ng bansa sa pagpigil sa pagkalat ng monkeypox sa Pilipinas.
Naghain ng Senate Resolution 85 ang dalawang mambabatas noong Lunes na nag-uutos sa Committee on Health and Demography na magsagawa ng pagsisiyasat sa pagtatapos sa view ng “pag-iwas sa labis na pasanin ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan.”
Si Go ang chairman ng Senate committee on health and demography.
“There is a pressing need to evaluate the government’s preparedness to effectively suppress the spread of monkeypox in the country considering that the country is still trying to recover from the adverse impacts of the COVID-19 pandemic,” ayon sa resolusyon.
“It is the duty of Congress to formulate institutional policies and measures to address public health emergencies,” dagdag pa ng dalawang senador. LIZA SORIANO