PROBE SA PASS-PORT DATA MESS

Teddy Locsin

IIMBESTIGAHAN na ng National Privacy Commission (NPC) ang isiniwalat ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na tina­ngay ng dating passport production contractor ng DFA ang datos ng i­lang passport holder.
Ayon sa NPC, kanilang pagpapaliwanagin ang mga DFA official maging ang hindi pa pinapangalanang foreign passport contractor.
Dapat umanong ma­tiyak na hindi makokompromiso ang anumang personal na impormas­yon ng mga passport holder.
Maraming bagong aplikante ang hinihinalang posibleng maabala dahil kailangang magsumite ng panibago at orihinal na kopya ng birth certificate para sa passport renewal.
Kamakalawa ay ina­min ni Locsin na kaila­ngan nilang buuing muli ang kanilang database dahil wala na sa kanilang kamay ang physical copy ng dokumentong isinumite sa kanila ng mga aplikante nang mag-apply ng pasaporte ang mga ito.

Comments are closed.