CAMP AGUINALDO – NAGPULONG ang National Service Training Program (NSTP) Joint Committee kahapon para pag-aralan muli ang nakapaloob sa NSTP Act of 2001 o ang Republic Act No. 9163.
Ang pagpupulong ay dinaluhan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, TESDA Director-General Secretary Isidro Lapeña, at CHED Chairperson J. Prospero E. De Vera III.
Ayon kay Lorenzana, partikular na layunin ng pagpupulong ay bumuo ng technical working group para mapag-aralan ang implementing rules and regulations (IRR) ng NSTP Act.
Una nang nais ng tatlong ahensya na matukoy ang pinakamandato ng NSTP law at pangalawa ay malaman ang layunin nito na nakabatay pa rin sa 1987 Constitution.
Ginagawa ito ng tatlong ahensya para maibatay sa kasalukuyang developments at National Security Environment.
Kabilang sa development ay ang ipinapatupad na Enhanced Basic Education Program ng K-12.REA SARMIENTO
Comments are closed.