PROBLEMA NG MGA OFW, BINALEWALA NG SENADO

BIGWAS KOLUM

PARA sa halos 10 milyong Filipino na nagtatrabaho at nakatira sa ibang bansa, ang agarang pagsuspinde sa pagtalakay ng mga panukalang batas na naglalayong magtayo ng isang kagawaran na tutugon sa problema nila ay nangangahulugang binalewala ng ilang mga senador ang mga problemang kinakaharap ng mga overseas Filipino workers (OFWs).

Matagal nang natulog ang mga panukalang ito sa Senado sa kabila ng paulit-ulit na pakiusap ng Pangulo sa Kongreso sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at ilang pampublikong pagtitipon.

Noong Marso 11, 2020, naipasa sa Kamara ang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment bill kung saan isa sa panguhaning may akda ay si dating Speaker Alan Peter Cayetano. Habang naging prayoridad ang nasabing bill sa Kamara nu’ng panahon ni Cayetano bilang Speaker, tila kabaligtaran ang sinapit nito sa Senado.

Nagdaos ng unang hearing nitong Disyembre 7 ang Committee on Labor and Employment, Foreign Relations at Finance para pag-usapan ang Department of Filipino Overseas Bill kaya’t biglang nabuhayan ng pag-asa ang mga OFW na naghihintay ng aksiyon ng Senado sa naturang bill.

Nagulantang ang maraming grupo ng OFW nang mag-desisyon ang mga naturang Committee pagkatapos ng halos isang oras pa lamang na pagdinig  sa bill na isuspinde na ang pagtalakay dahil sa motion na iminungkahi ni Senador Franklin Drilon.

Ayon kay Senador Drilon, hindi pa raw napapanahon para pag-usapan ang mga nasabing panukala dahil sa kawalan ng pondo ng gobyerno at pandemya sa ngayon at dapat daw unahing talakayin ang “Right-sizing bill” bago pag-usapan ang pagbuo ng bagong kagawaran. Ipinasa sa Senate Committee on Rules ang nasabing mga panukala para pag-aralan kung ito ay masasama sa mga dapat bigyan ng iprayoridad.

Hindi ba mas matagal talakayin ang “Right-sizing” bill dahil ang nasasakop nito ay higit 180 na ahensya ng gobyerno. Dahil halos 2 milyong ka-wani na ang nagtatrabaho sa  gobyerno sa ngayon, layon ng bill na pigilan ang patuloy na paglobo ng bureaucracy dahil nagiging magastos na daw ito taon-taon.  Mukhang kukulangin ang termino ni Pangulong Duterte sa pagtalakay ng “Right-sizing” bill dahil masalimuot ito.

Sadyang nakakalungkot ang desisyon nilang ito at parang sampal ito sa mukha ng milyon milyong OFW na nakadanas ng hirap bago pa kumalat ang coronavirus at mas lumala ngayong panahon ng pandemya. Nagtataka ang ilan sa ating mga nakausap ng OFW kung bakit sa tingin ng ilang mga senador na napaka-ayos ng kasalukuyang set-up ng mga ahensiya ng gobyerno ngayon. Tila nag bubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan ang ating mga senador na malaki ang problema na hiwa-hiwalay ang mga ahensiyang nag-aasikaso sa mga problema ng OFW.

Sa totoo lang ang makipag-transaksiyon sa isang opisina ng gobyerno lamang ay napakahirap na pero ang mga OFW ay kailangang pumunta sa ilang ahensiya mula sa kanilang pag-alis at kung magkaroon sila ng problema sa ibang bansa hanggang sa kanilang pag-uwi.

Kung tunay na may respeto at malasakit ang ating mga butihing senador sa mga tinatawag nilang “bagong bayani”  sana ay hinimay na nila muna ang mga isyu at problemang kinakaharap ng mga OFW. Kabilang dito ang mabagal na sistema tulad ng pagbibigay ng ayuda at tulong pinansiyal para sa kanilang reintegration pagkatapos makauwi sa bansa sa panahon ng anumang krisis o pandemya.

Hindi natatapos ang problema sa pagbibigay ng pondo para sa mga “distressed OFWs”, kailangan nila ng mas komprehensibo at mas integrated na programa. Sa rami ng problema sa domestic employment sa ating bansa, hindi na kayang asikasuhin pa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang karamihan sa problemang nilalapit ng mga OFW.  Kahit gaano kagaling at kasipag ang Secretary ng DOLE o Department of Foreign Af-fairs, hindi pa rin nila kayang tutukan ang problema ng mga OFW dahil marami rin silang inaasikasong ibang mga programa. Kaya kailangan talaga ng isang hiwalay at full-time na ahensiya na mag-paplano ng mas akmang programa at tutugon sa iba’t ibang problema ng mga migrante.

Dahil sa hiwa-hiwalay ang ahensiya, mas nagiging mabagal ang pagtugon sa mga problema at walang pokus ang mga opisyal sa paggawa ng aksiyon. Kung nagkakaroon ng problema, mas madalas na may kakulangan sa koordinasyon at kawalan ng pananagutan dahil maraming ahensiyang gumagalaw at iba-iba ang pinanggagalingan ng mga pondo.

Malinaw na ayaw harapin nina Senador Drilon ang katotohanan na maraming butas ang mga programa at mga institutional mechanisms ng bawat ahensiya. Paano natin malalaman ang puno at dulo ng problema kung itinigil na nila ang pag-dinig ng naturang panukala?

Hindi ba maaring sabay-sabay na pag-usapan ang maraming panukala? Tama lang namang pag-aralan ng Senado kung paano i-streamline ang opera-tions ng gobyerno at mabawasan ang sobrang mga tao o posisyon para maging mas efficient at epektibo ang pagpapatakbo ng gobyerno. Ngunit hindi ba maaring bigyan ng kahit ilang oras lang ng panahon ng mga Senador na tutukan ang problema ng mga OFW pati ang mga kakulangan ng bawat ahensi-ya para mabago ito.

Sa loob ng unang limang araw ng Disyembre lamang ay 9,981 na OFW ang natulungan ng gobyerno na pauwiin kaya’t sa kabuuan ay umabot na sa 287,301 ang na-repatriate simula pa noong nagsimula ang pandemya.

Parami nang parami ang mga OFW na umuuwi dahil sa epekto ng pandemya ngunit kakarampot lang ang pondo para matulungan silang makapag-simula muli.

Maaring tumaas ang pondo para sa Assistance to Nationals (ATN) noong 2018, mula P400 milyon ay naging P1 bilyon ito at ang Legal Assistance Fund (LAF) mula P100 milyon hanggang P200 milyon noong panahon ni Cayetano bilang Secretary ng Department of Foreign Affairs.  Ngunit hindi pa din ito sapat para tugunan ang mas malaking problema ng mga OFW kung makakabalik sila sa Pilipinas matapos ang anumang trahedya o kung ma-tanggal sila sa trabaho.

Huwag sanang balewalain ng mga mambabatas ang mahigit na 30 bilyong dolyar na mga personal remittances ng mga OFW taon-taon na malaki ang naitutulong para buhayin ang ekonomiya ng Pilipinas. Sa ating pag-bangon sa epekto ng pandemya, kakailanganin muli ng gobyerno ang tulong ng mga OFW para umarangkada ang ekonomiya. Ngunit bakit pinagkakait natin na talakayin ang mga isyu na maaring magbigay ng solusyon sa kanilang mga problema. Sinara na nila agad ang pinto para sa mga OFW kaysa pag-usapan ang “costs at benefits” ng mga nasabing panukalang batas.

Sa laki ng inaambag ng mga OFW sa ekonomiya, bakit nag-aalinlangan pa ang Senado na mag-laan ng pondo para sa departamento na magbibigay ng maayos na tulong sa kanila? Ayon sa Department of Budget and Management, nangangailangan daw ng P1.5 bilyon ang pagtatayo ng isang kaga-waran tulad ng Department of Filipinos Overseas.

Kung sadyang walang pondo ang gobyerno bakit nakapag-laan ng pondo ang Senado para sa pagpapatayo ng bagong building na nagkakahalagang P8.5 bilyon na nagsimula na ang construction noong 2019.

Kung pag-aaralan nating mabuti ang mga kasalukuyang ahensiya ng may kinalaman sa OFW ay may kanya-kanyang pondo taon-taon kaya’t kung pag-iisahin sila bilang isang Departamento, hindi naman kailangan ng mas malaking pondo para dito.

Gaano katagal maghihintay ng tamang panahon ang mga OFW na pag-usapan ang mga isyung kanilang hinaharap? Mag-titiis muna sila sa kasalu-kuyang pamamalakad na parati silang pinag-papasapasahan ng mga ahensiya at pinapapa-asa sa konting tulong.

Hindi kaya politika ang mas malalalim na dahilan kung bakit ayaw talakayin ang mga panukalang batas tungkol sa Department of Filipinos Overseas. Mukhang ayaw lang ng ilang senador na maging legacy ng administrasyong Duterte ang pag-bigay ng solusyon sa halos ilang dekada ng problema ng mga OFW.

163 thoughts on “PROBLEMA NG MGA OFW, BINALEWALA NG SENADO”

  1. 322587 310859After study a couple of of the blog articles for your site now, and that i truly like your method of blogging. I bookmarked it to my bookmark web site list and are checking back soon. Pls consider my internet site too and inform me what you consider. 391592

  2. 874949 491546Hello I discovered the Totally free Simple Shopping Icons Download | Style, Tech and Internet post really interesting therefore Ive included our track-back for it on my own webpage, continue the great job:) 610072

  3. 423550 731697Greetings! This is my first visit to your blog! We are a team of volunteers and starting a new project in a community in the same niche. Your blog provided us useful information to work on. You have done a wonderful job! 101838

Leave a Reply

Your email address will not be published.