PROBLEMA NG OFWs UUNAHIN NI BONG GO

Special Assistant to the President Bong Go

MALAPIT  sa  puso ni dating Special Assistant to the President (SAP) Sec. Bong Go ang pamilya ng mga overseas Filipino worker (OFW) kaya prayoridad nito ang pagtatayo ng  Department of Overseas Fili-pino Workers (DOFW) sa oras na siya ay manalo bilang senador sa darating na eleksiyon.

Ayon kay Go, nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na unahin niyang gawin pagdating niya sa Senado ay tulungan at resolbahin ang patong-patong na problema ng mga OFW na hindi masyadong matugunan ng ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng ng DFA, DOLE, POEA, at OWWA.

“Parang one-stop shop siya na puwede na mag-renew ng passport, kumuha ng birth certificate, reklamo laban sa hindi nasunod na kontrata, pagpapauwi sa OFW at maging sa remittance nila para sa pamilya at marami pang iba”, ani Sec. Go.

Sinabi ni Go, nauubos ang oras ng isang OFW sa pag-aayos ng kanyang papeles, passport o kontrata habang nagbabakasyon dahil iba’t ibang ahensiya ang kanyang pupuntahan para ayusin ito sa halip na i-bonding time niya iyon sa kanyang pamilya.

Aniya, ang nasabing  ‘idea’  ay galing sa Pa­ngulo pero muli niyang nabanggit noong ilapit sa kanya ng ACT-CIS partylist ang problema ng isang anak na ang ina ay namatay sa Saudi Arabia noong pang Oktubre 2018 dahil sa sakit pero hanggang ngayon ay hindi pa naiuuwi sa Filipians ang bangkay.

Ayon pa kay Go, pati ang problema sa remittance ng mga OFW, medical, dental benefits, at retirement pay ay  hahawakan ng DOFW dahil araw-araw ay marami ang lumalapit sa Palasyo na mga OFW para direkta ng humingi ng tulong sa Pangulo sa pamamagitan ng Presidential Action Center.

Comments are closed.