DAPAT resolbahin muna ang problema ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo na dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa halip na pagtuunan ng pansin ng pulisya ang mga tambay.
Binigyang diin ni Senador Bam Aquino, mas matinding problema ang mataas na presyo ng bilihin kung saan ay nalulunod na ang taumbayan.
Nanawagan ang senador na maglatag ang gobyerno ng malinaw na plano kung paano tutugunan ang mataas na presyo ng bilihin upang mapagaan ang pasanin ng mga Filipino, lalo na ang mahihirap.
Nauna nang naghain si Aquino ng panukala na layong i-roll back ang excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law kapag ang average inflation rate ay lumampas sa taunang inflation target sa loob ng tatlong buwan.
Isinusulong din nito ang pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa mahihirap, tulad ng unconditional cash transfer program para sa mahihirap na pamilyang Filipino at Pantawid Pasada program para sa jeepney drivers at operators. VICKY CERVALES
Comments are closed.