PROBLEMA SA SAHOD KAYA AYAW UMUWI NG MGA OFW SA LIBYA

Sahod

PASAY CITY – DAHIL sa sigalot sa Libya, apektado na ang mga overseas Filipino wor­ker hindi lamang ang kanilang kaligtasan kundi ang kanilang trabaho at suweldo.

Sinabi ni Charge de’Affaires Elmer Cato, bukod sa dahilan ng ilang workers na beterano na sa giyera ay may ilang namomroblema rin sa kanilang sahod.

Nabatid ng DFA na maraming Pinoy healthcare workers ang hindi nakatatanggap ng tamang sahod, gayundin na nahihirapan sa remittance.

Sa ngayon may 13 nurses umano ang nagpasaklolo sa embahada dahil inabot na ng bakbakan ang kanilang pinagtatrabahuang ospital.

Subalit hindi pa rin daw nagpasailalim sa repatriation program ang naturang OFW at nanunuluyan lang sa temporary shelter ng Philippine Embassy.

Sa huling tala ng DFA, nasa 40 OFWs na ang nakauwi sa Filipinas. PILIPINO Mirror Reportorial Team