PROBLEMA SA TRANSPO SINAGOT NG MILLENNIAL ENTREP

ALOK ng batam-batang entrepreneur at chief executive officer ng isang car rental company na solusyonan ang problema sa kawalan ng sariling sasakyan at transportasyon sa mga office executive na laging may urgent meeting.

Si Garry Sales Jr. CEO ng WeRide ay nag-aalok na tangkilikin ang kanilang serbisyong car rentals habang ang mga mayroong sasakyan na hindi nagagamit o mayroong extra kotse ay maaaring maging partner ng nasabing kumpanya at sumali sa lumalaking negosyo.

 

Ayon kay Sales, kaysa nakatambak ang kanilang sasakyan ay ipasok na lang sa kanilang kumpanya para kumita.

Sa ngayon, mayroong 250 vehicles na ang nag-ooperate at available para rentahan habang tiniyak na ang kanilang pinaaarkilang sasakyan ay maayos at ligtas gamitin.

Bukod sa mga pribadong indibividual ay marami nang umaarkila ng sasakyan kung kaya’t nakisosyo o pumasok na rin sa partnership sa ibang car rental company at kilalang automakers ang WeRide.

 

Sa ngayon, pinapalawak pa ng car rental company ang kanilang services gaya ng pagkakaroon ng apps at garahe para naman sa mga indibduwal na nais maging kasosyo ng WeRide.
EUNICE CELARIO