PROBLEMA SA TRAPIK ‘DI KAYANG RESOLBAHIN

Senador Bong Go

AMINADO si Senador  Christopher Bong Go na talagang mahirap resolbahin  ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na isa sa mga nakikita niyang solusyon ay ang paglikha ng bagong  siyudad sa labas ng Metro Manila na magbibigay ng mga oportunidad sa mga Filipino.

Hinikayat din ni Go ang mga kapwa probinsiyano na umuwi na lamang ng lalawigan kung maliit lang din naman ang suweldo sa Metro Manila.

Iginiit pa nito,  mas presko pa ang hangin sa probinsiya hindi tulad sa Metro Manila na dikit-dikit na ang mga bahay  at madalas pang magkasunog.

Samantala, hindi na pabor si Go sa pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong  Rodrigo Duterte para maresolba ang  trapiko dahil hindi na kaya ng nalalabing panahon  ng termino nito na maresolba ang problema.

Dagdag pa nito,  kung noon pa sanang  July 2016 naibigay ang emergency power sa Pa­ngulo, posibleng may sapat pa itong panahon para maresolba ang problema.

Ito ay sa kabila ng wala naman talagang ipinangako ang Pangulo kahit noong kampanya na kaya niyang resolbahin ang problema sa trapiko sa bansa. VICKY CERVALES

2 thoughts on “PROBLEMA SA TRAPIK ‘DI KAYANG RESOLBAHIN”

  1. 180017 63080Hiya! awesome weblog! I happen to be a every day visitor to your web site (somewhat much more like addict ) of this website. Just wanted to say I appreciate your blogs and am searching forward for more to come! 275236

  2. 1865 725545A person necessarily lend a hand to make severely posts Id state. This really is the very first time I frequented your internet page and to this point? I surprised with the analysis you made to make this particular submit extraordinary. Magnificent method! 798421

Comments are closed.