PROBLEMADO SA PERA, INDIAN NAG-SUICIDE

suicide

MUNTINLUPA CITY – NAGBARIL dahil problemado sa pera ang isang senior citizen na Indian sa lungsod na ito.

Sanhi ng tama ng bala sa ulo buhat sa kalibre .38 na baril ay dead on the spot si Gop Tulsidas Lukomal, 76,  ng Brgy. Ayala Alabang Village.

Ayon kay Colonel Gerry Umayao, ng Muntinlupa-PNP, batay sa pahayag ng asawa nito na si Annabelle Taylor, naganap ang insidente alas-7:45 ng umaga sa loob mismo ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Nakarinig umano ito ng putok ng baril at kaagad niyang ina­lam hanggang sa maki­ta nito ang duguan at wala ng buhay na biktima.

Nakita ng asawa ng biktima ang isang suicide note sa tabi ng biktima na nagsasaad ng “Darling, so sorry for what I have done! Please see the brown envelop in the desk drawer  in my office. Love you  so much.” MARIVIC FERNANDEZ

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *