PROBLEMANG KULTURA

Maraming hamon ang art industry sa Pilipinas. Isa na ito ang colonial mentality, kung saan mas gusto natin ang Western culture kesa Filipino culture.

Isa pang hamon ang limited nating access sa Philippine art, lalo pa nga at social classes ang usapan. Uunahin mo pa bang manood ng painting kahit pa libre, kung nagmamadali kang mag-grocery dahil mag­luluto ka pa ng hapunan? Pakialam mo kung si Guillermo Tolentino PechaKucha ang Father of Philippine Arts, kung ang ipinadodrowing lang naman sa’yo ng anak mo ay stick man o kaya naman ay bolang bilog. Bakit ka naman gagastos ng daang libo sa oil painting para sa fami­ly portrait kung pwede namang P500 lang sa tarpaulin, ilagay na lang sa magandang frame. Pwede na rin, magkamukha naman.

Syempre, may mga unique at authentic Filipino elements sa Philippine art, tulad na lang ng mga likha ni Fernando Amorsolo (b. 1892, d. 1972), pero hindi pa rin considered ang mga ito na 100% authentic Filipino dahil sa impluwensya ng mga nanakop sa bansa. Aminin man natin o hindi, apektado tayo talaga. Para sa akin, wala talagang 100% authentic Philippine art.

Si Amorsolo ang kauna-unahang National Artist ng bansa at opisyal na kinilalang “Grand Old Man of Philippine Art”.

Mayroon din tayong Rosalinda Luna Orosa (aba, namesake!), na kinikilalang Mother of Philippine Arts and Culture.

Huwag kalilimutan si Damián Domingo y Gabor (February 12, 1796 – July 27, 1834) na ama ng Philippine painting. Siya ang nagtatag ng opisyal na Philippine art academy sa kanyang bahay sa Tondo noong 1821.

Sa kabila ng mga mahuhusay na artists sa Pilipinas — ang Spolarium nga pala ni Juan Luna, na totoong napakaganda — bakit kaya si Dr. Jose Rizal lamang ang kinikilala sa ibang bansa? Bakit hindi man lamang tayo maanyayahan sa mga kumpetisyon? Ano ito, isa na namang Vincent Van Gogh, na kung kelan matagal nang patay, saka pa lamang hahangaan? Itaguyod kasi natin ang sariling atin.– Nenet Villafania