Handa raw makipag-usap ang Moscow kung susuko ang Ukrainian, ayon kay Russian Foreign Minister Sergei Lavrov. May karapatan ba silang magbigay ng kundisyon?
Sabi ni Lavrov, “Moscow wants to free Ukraine from oppression”, pero patuloy pa rin ang kanilang pag-atake. Ano ang gusto nilang patunayan? Sabi pa niya, gusto ni Russian President Vladimir Putin na magsagawa ng “special military operation to demilitarise and de-Nazify Ukraine” upang mapalaya sila sa opresyon, at ang mga Ukrainian mismo ang malayang makakapamili ng kanilang bukas. Magsasagawa rin ang Russia ng retaliatory sanctions sa mga Western nations depende sa kanilang ginawa, ayon sa Kremlin.
Sinabi rin ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na magiging problema rin sa Russia ang sanctions pero madali na itong malusutan, dahil nabawasan na ang dependence nila sa foreign imports. Ayaw na niyang magkumento kung hanggang kailan ang operasyon ng Russia sa Ukraine. Basta papasok ang Russian forces sa Kiev mula sa norte at northeast.
Nakuha na raw ng Russian forces ang mahalagang canal na nagsusuplay ng tubig sa Crimea, na walong taon nang nahihirapan. Ang tubig sa Crimea ay galing sa Dnieper River ng Ukraine via the North Crimean Canal hanggang 2014, nang idugtong ito ng Moscow, at hinarangan ng mga otorodad ng Kiev ang daanan ng tubig. Mula noon, nagkaproblema na sa tubig ang Crimea lalo na kung tag-araw at tagtuyot. Nakaapekto rin ito sa kanilang pagsasaka.
Sa isang banda, may dahilan ang Russian operation sa Ukraine. Lahat naman, gustong mabuhay. Pero iba pa rin ang kaso ng Moscow, ayon sa Myanmar. Gusto nilang patunayang nangunguna pa rin sila sa world power. Ayon kay Junta spokesman Zaw Min Tun, ipinakikita ng Russia ang kanilang posisyon sa world as a world power. Kung tutuusin, kakampi ng Moscow ang Myanmar at paulit-ulit silang nagtatakipan sa United Nations.
Sa Spain, 100 Eukranian evacuates na ang tinanggap nila kasama ang ambassador nito sa bansa kasama ang natitirang diplomatic staff dahil sa military operation ng Russia. Ayon kay Spanish Foreign Minister Jose Manuel Albares, may 100 Spanish nationals pa rin sa Ukraine.
Handa ang Italy na mag-supply ng karagdagang 3,400 military personnel para suportahan ang NATO upang ma-contain ang krisis, ayon kay Prime Minister Mario Draghi. Gusto umano nilang mapilitan ang Russia na paalisin ang kanilang tropa, at ang Italy ay “perfectly in line” sa France at Germany sa isyu ng sanctions.
Kinondena naman ng United Nation sang “arbitrary arrests” ng mahigit 1,800 katao sa Russia dahil sa pagpoprotesta sap ag-atake sa Ukraine, at hiniling na agad silang palayain.
Sa Kiev, nagbabala ang otoridad sa mga residente ng north-western Obolon na huwag munang lumabas para sa kanilang kaligtasan dahil panay ang paputok ng baril ng mga kalaban. Halos lahat umano ng lugar ay delikado dahil sa Russian forces. Mas matindi ang sagupaan sa Gostomel, Vorzel at Bucha.
Pahayag naman ng Ukraine nuclear agency and interior ministry, tumaas ang radiation levels sa Chernobyl nuclear power plant dahil sa movement ng heavy military equipment. May 100 kilometro lamang ang layo nito sa Kiev. Binomba ng Russia ang 33 civilian sites at isa rin ito sa mga dahilan.
Sa pangyayaring ito, inilipat ng UEFA ang 2022 Champions League final mula St Petersburg sa Paris. Nagbukas na rin ang Hungary ng corridor sa mga citizens ng third-party countries tulad ng Iran o India o kahit pa Pilipinas, na lilikas mula sa Ukraine, kahit walang visa at dinadala sa Debrecen, ayon kay Hungarian Foreign Minister Peter Szijjarto.
Samantala, sinabi ng Russian Defence Ministry na nakuha na nila ang Zmiinyi Island sa Black Sea, at 82 Ukrainian soldiers ang napasuko nila. Ayon naman sa mga Ukrainian officials, 13 border guards na naka-deploy sa isla sa pier ng Odessa ang napatay ng Russian warship. Ginamit umano ang Russia ng Gomel airfield sa Belarus para birahin ang Kiev dahil nasira ang Hostomel military airport. Papalapit ang Russian troops sa Kiev sa iba’t ibang direksyon habang nakikipaglaban ang Ukrainian forces sa Mariupol at Kharkiv.
Binanatan naman ng China foreign ministry si US President Joe Biden sa kumento nito na anumang bansang kakampi sa Russia ay “stained by association”. Ito ang mga bansang nakikialam sa domestic affairs ng iba, ani Wang Wenbin. Alam naman natin kung sino ang talagang pakialamero. (To be continued) Ni: jayzl villafania nebre