MATAPOS na bawiin sa merkado ang dalawang produkto ng Mekeni dahil sa pagpositibo sa African Swine Fever (ASF), hinimok naman ng Department of Agriculture na sumalang din sa ASF test ang iba pang mga kompanyang gumagawa ng processed meat.
Sinabi ni Agriculture Spokesman Noel Reyes na ito ay para malinis sa publiko na virus-free ang kanilang produkto at mawala rin ang agam-agam ng mga mamimili.
Dahil sa insidente ay nagdadalawang isip ang mga mamimili na tangkilikin ang processed meat products tulad ng hotdog, tocino at longganisa.
Sinabi ni Reyes na mayroon nang 148 manufacturer at 63 kompanya na ang sumailalim sa pagsusuri at ang lahat ay negatibo sa ASF.
Bukod sa pagsasagawa ng ASF test, nagsasagawa rin ng backtracking ang DA upang matukoy kung paano nagkaroon ng ASF ang dalawang produkto ng Mekeni.
Comments are closed.