PROCUREMENT SERVICE NG DBM IPINABUBUWAG

Rufus Rodriguez

IPINABUBUWAG ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Sinabi ni Rodriguez sa inihaing House Bill 10222 na bunsod ng kinakaharap na mga isyu at kontrobersiya ay itinutulak niya ang pag-abolish sa mismong procurement arm ng ahensiya.

Aniya, ibinabato sa tanggapan ang alegasyon ng hindi tamang proseso at overpriced acquisitions tulad ng P42 billion na inilipat na pondo ng Department of Health (DOH) sa PS-DBM para sa mga biniling face shields, face masks, personal protective equipment, at iba pang COVID-19 pandemic-related purchases.

Sa ilalim ng panukala ay binibigyang mandato ang mga ahensiya ng gobyerno kasama ang state-owned o controlled corporations, colleges and universities, at local government units (LGUs) na gawin na ang sariling procurement ng mga supply pagkatapos na mabuwag ang PS-DBM na nilikha noon pang Marcos era.

Punto pa ni Rodriguez, nagiging redundant at irrelevant o hindi naman mahalaga ang PS-DBM dahil ang pag-tiyak sa tapat at tamang proseso ng government procurement ay nakapaloob sa Konstitusyon at sa Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Nakapaloob na rin, aniya, sa RA 9184 ang probisyon na nagpapalakas sa procurement service ng mga national gov-ernment agencies sa pamamagitan ng paglikha ng Government Procurement Policy Board at ng bids and awards committee (BAC) sa bawat tanggapan ng pamahalaan. CONDE BATAC

4 thoughts on “PROCUREMENT SERVICE NG DBM IPINABUBUWAG”

  1. 469743 755823I truly like your post. It is evident that you have a lot expertise on this subject. Your points are properly produced and relatable. Thanks for writing engaging and interesting material. 939133

  2. 272793 786573You produced some decent points there. I looked on the internet for that problem and located most individuals will go together with with the site. 308360

  3. 1918 877158Found your weblog and decided to have a study on it, not what I usually do, but this blog is amazing. Awesome to see a site thats not spammed, and really makes some sense. Anyway, excellent write up. 112873

  4. 849161 484438It is really a cool and beneficial piece of info. Im glad that you shared this valuable info with us. Please maintain us informed like this. Thanks for sharing. 320557

Leave a Reply

Your email address will not be published.