PRODUCER PRICE INDEX PARA SA MANUFACTURING BUMABA

Factory

BUMILIS ang pagbaba ng producer price index (PPI) para sa manufacturing noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa ulat ng PSA, ang PPI para sa manufacturing ay bumaba ng 1.2 percent noong Peberero, bahagyang mas mabilis kumpara sa 1.1 percent decrease noong Enero.

Noong February 2023, ang PPI ay nagposte ng annual increment na 3.9 percent.

“The faster negative annual growth rate of PPI in February 2024 from January 2024 was primarily due to the deceleration in the annual growth rate of manufacture of computer, electronic and optical products industry division at 1.2 percent in February 2024 from 1.8 percent in January 2024,” sabi ng PSA.

Ayon sa PSA, ang ibang contributors sa mas mabilis na pagbaba ng PPI ay ang pagbagal sa annual rates ng manufacture of food products sa 0.5 percent noong February 2024 mula -0.9 percent noong January 2024, at ang manufacture of beverages sa 6.2 percent mula 7.0 percent annual increase sa naunang buwan.

Month-on-month, ang PPI para sa manufacturing ay bumaba ng 0.2 percent mula 1.1 percent noong January 2024.

Ang top contributor sa mas mabagal na  monthly decrement ng  PPI ay ang manufacture of fabricated metal products, maliban sa machinery and equipment, na may monthly drop na 0.1 percent mula 2.8 percent noong Enero.

Ang PPI ay nakakalap mula sa resulta ng Producer Price Survey na isinasagawa sa buong bansa.