CEBU- TULUYAN nang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang producer at seller ng pekeng government identification cards sa lalawigang ito.
Sa isang pahayag, kinilala ang pekeng ID reseller na alyas Yuri Chan na nameke ng BIR TIN card na sinasabing inorder at binayaran online.
Nakipag-ugnayan ang NBI at BIR sa pinagmulan ng pekeng dokumento sa pamamagitan ng online.
Dito na ikinasa ng mga awtoridad ang pagkolekta ng mga hindi nai-deliver na card, na ibinigay sa isang decoy rider ng isang batang lalaki sa Lagtang, Talisay City.
Sinundan ang batang lalaki kaya nahanap ng mga operatiba ang ina nito na nahulihan ng humigit-kumulang 240 pekeng BIR TIN cards at 250 blank PhilHealth cards kasama ang isang laptop at printer.
Kinumpiska ng NBI NBI Central Visayas Regional Office (CEVRO), ang mga pekeng cards at makina.
Sasampahan ng NBI ng kaukulang kaso ang babaeng suspek.
“The NBI CEVRO operation is in line with an intensified crackdown ordered by NBI Director Judge Jaime B. Santiago against the apparent proliferation of fake government IDs and documents being used by scrupulous individuals and nefarious crime organizations that have serious repercussions on public trust in government as well as a serious national security concern,” ayon sa isang pahayag. PAUL ROLDAN