NAKIPAG-PARTNER ang provincial government ng Negros Occidental sa 10 local government units (LGUs) para mapalakas ang local animal genetic improvement program.
Sa phayag ni Dr. Renante Decena, hepe ng Provincial Veterinary Office (PVO), kamakailan na ang inisyatibo ay itutuon sa implementasyon ng Swine Artificial Insemination (AI) and Laboratory Center project sa mga recipient-localities.
Ang unang pasilidad ay sinimulan sa Cadiz City noong nagdaang buwan.
Ang AI centers sa Himamaylan City, Candoni at bayan ng E.B. Magalona ay nasa ilalim na ng konstruksiyon.
Ang ibang partner-LGUs ay ang Bago City, Escalante City, at Sagay City sa pamamagitan ng Northern Negros State College and Science and Technology gayundin ang Calatrava, Cauayan, at Moises Padilla sa pamamagitan naman ng Central Philippines State University.
Ang swine AI at laboratory centers ay itinayo ng provincial government, ngunit ito ay direktang pamamahalaan ng LGU.
Inaasahang magbubukas ngayong taon ang apat na centers kasama ang isa sa Cadiz City.
Ang mga pribadong stakeholder tulad ng Univet Nutrition and Animal Healthcare Company and Pigrolac Feeds ay nagpahayag ng suporta sa proyekto.
Ayon kay Decena, na ang dalawang entities ay nangako na susuporta sa pagpapatakbo ng center sa pagbibigay ng dagdag na 10 ulo bulugan, semen refrigerator, at iba pang AI paraphernalia, tulad ng catheters at semen extenders nang libre.
Ang proyekto ay ipinatutupad sa ilalim ng PVO’s Provincial Animal Genetic Improvement Program (Pagip) na naglalayon na palakasin ang livestock production bilang pangunahing industriya ng probinsiya.
“This will contribute to the promotion and enhancement of agriculture and food through swine production under the Abanse Negrense Development Agenda of the provincial government,” ani Decena.
Sa kabilang bahagi, susuporta naman ang Poultry and Livestock Association of Negros Occidental sa PVO at LGUs sa paniniguro ng malawak na sakop at malaking bilang ng kliyente na sinisilbihan ng AI facility.
“This will be done by mobilizing and encouraging members and technicians to perform AI in their respective service areas,” sabi ni Decena. PNA
Comments are closed.