KINAKAILANGAN na magkaisang “national management plan” para matugunan ang bumabagsak na produksiyon ng galunggong, na itinuturing na isa sa pangunahin at pinaka-importanteng pagkaing isda sa bansa.
Inihayag ni Agriculture Undersecretary and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Eduardo Gongona sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng dalawang araw na 1st Galunggong Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) kamakailan, na sa pagbaba ng produksiyon ng galunggong, “the country will not be able to satisfactorily meet the demand for fish and follow through with its food fish sufficiency goals.”
“This also means heavy losses for the Philippine fishing industry as galunggong is also a source of livelihood for small-scale fisherfolk, commercial fishing operators, and other stakeholders across the fisheries sector,” dagdag pa niya.
Ayon sa BFAR records, may 75 porsiyento ng produksiyon ng galunggong ay galing sa commercial fisheries, na nasa 22 porsiyento nito ay bumabagsak sa Navotas.
Sinabi ni Gongona na ang summit ay magsisilbing daan para sa magandang talakayan tungkol sa sitwasyon ng galunggong, kung saan ang mga dumalo – tulad ng science experts, policy makers, at industry stakeholders – ay maaring makapagturo ng mga isyu at makapagbigay ng rekomendasyon.
Ang galunggong ay kinokonsidera na pangunahing kuhanan ng hindi mahal na animal protein, kaya ito ay popular sa mga ordinaryong pamahayan ng mga Pinoy. Ito ay napaka-importante sa marine ecosystem dahil ito ay nagsisilbing pagkain ng mga malalaking isda at iba pang mammal tulad ng tuna.
Mula 2007 hanggang 2017, ang fisheries data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagpakita ng tuloy-tuloy na pagbaba ng produksiyon ng galunggong – mula sa 244,671 metric tons (MT) noong 2007 hanggang 126,533 MT noong 2017.
Dahil dito, nagsimula ng magpatupad ng mga pamamaraan ang gobyerno tulad ng pagdedeklara ng “closed fishing season” sa loob ng tatlong buwan sa piling fishing grounds sa bansa, pagtatayo ng mas maraming marine protected areas, at pagpapatupad ng epektibong mangrove protection at rehabilitation program.
Noong Setyembre 2018, pumayag ang gobyerno na mag-angkat ng 17,000 MT ng galunggong para ma-pre-empt ang mababang supply at mataas na presyo sa closed fishing season sa Palawan at sa Visayan Seas mula Nobyembre 2018 hanggang Marso 2019.
Pero sinabi ni Gongona na ang mga pamamaraan na ito ay hindi sapat para madagdagan ang produksiyon ng kalakal.
Umaasa siya na sa pagtatapos ng summit, magkakaroon ng solidong resolusyon ang gobyerno, kasama ang mga siyentipiko, at industry stakeholders na magbibigay ng kasiguruhan sa patuloy na produksiyon ng galunggong, gayundin ang long-term protection and conservation. PNA
Comments are closed.