PANGUNGUNAHAN ng Department of Agriculture (DA) ang 2024 National Dairy Summit (NDS) sa Oktubre 28-30 na ang pangunahing layunin ay ang palakasin ang produksiyon ng gatas sa bansa.
Ayon kay Vicente Bitolinamisa III, OIC Department Manager ng NDA Western Visayas, magiging katuwang ng Western Visayas Dairy Farmers and Stakeholders Agriventures Inc. ang National Dairy Authority (NDA) ng DA sa pagdaraos ng summit na may temang “Advancing Dairy Enterpreneurship Innovation, Nutrition,Sustainability and Food Security” sa Iloilo Convention Center sa Iloilo.
Ayon kay Bitolinamisa, ito ay isang napakahalagang kaganapan kung saan maipakikita, aniya, ang pinakahuling inobasyon, produkto at serbisyo sa 2024 National Dairy Summit na maaaring magsilbing platforms para sa stakeholders upang magkaroon sila ng koneksiyon na magbibigay ng oportunidad ng negosyo sa mga nasa industriya.
Ang summit ay bukas sa mga players sa naturang dairy value chain, kabilang ang farmers, stakeholders, local government units (LGUs), state universities at colleges (SUCs), processors, suppliers ng farm inputs, equipment at packaging, traders, at dairy partner agencies.
Ang mga eksperto sa dairy industry ay inaasahang magpiprisinta ng mga insights at kaalaman sa mga pinakahuling trends o best practices samantalang ang mga opisyal ng pamahalaan ay inaasahang dadalo sa naturang kaganapan.
“Attendees will have the opportunity to explore booths showcasing cutting-edge products, services, and technologies that drive innovation within the dairy industry.
We aim to provide stakeholders and investors with a comprehensive view of the dairy industry, highlighting existing gaps and opportunities for improvement. By addressing these challenges, we can significantly boost milk production, not only in Western Visayas but across the entire Philippines,” sabi ni Bitolinamisa.
Ang fee ay P5,000 per person, at P4,500 naman para sa mga maagang magpaparehistro..
Ma.Luisa Macabuhay-Garcia