PRODUKSIYON NG GATAS SA BAGUIO NABAWASAN

RAW MILK

NAAPEKTUHAN na ang produksi­yon ng gatas sa dairy center ng Baguio Animal and Breeding and Research Center (BABRC) ng Department of Agriculture(DA)-Cordillera sa Baguio City dahilan sa epekto ng tagtuyot na naranasan ng mga nakaraang buwan.

Sinabi ni Dr. Leisley Deligen, project assistant manager ng BABRC, bumaba ang produksiyon ng gatas ngayong taon kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.

Aniya, aabot lamang sa anim hanggang pitong litro ng gatas ang nanggagaling sa isang dairy cattle o baka sa isang araw.

Ipinaliwanag ni Deligen na mas mababa ito kumpara sa 12 hanggang 13 litro ng gatas sa bawat baka noong 2017 hanggang 2018.

Bunsod nito, inayos ng BABRC ang water supply sa pasilidad kasunod ang kanilang pagtatanim ng mga damo para sa karagda-gang pagkain ng mga baka

Samantala, tinututukan din ang pagpapalago sa cattle population para sa mas malakas na milk production sa Baguio City.     BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.