PRODUKSIYON NG PALAY, MAIS MALAMANG BUMAGSAK SA Q2 — PSA

PALAY-MAIS-3

MALAMANG na bumaba ang produksiyon ng palay at mais sa ikalawang quarter ng taong 2019 base sa mga nakatayong tanim, ayon sa datos na ini-release ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Maaaring mabawasan ang produksiyon ng palay para sa buwan ng Abril-Hunyo 2019 sa 3.86 million metriko tonelada, o mababa ng metric tons (MT), ng 5.6 percent mula sa kanilang naunang level na nasa 4.09 million MT.

Sa 914,460 ektarya na  ini-update para sa standing crop, mayroong 89.2 porsiyento na ang naani. Sa estado ng development, mahigit sa kalahati o 54.7 porsiyento ng 413,050 ektarya ng standing crop ay nasa estado ng gulayan, 24.3 percent sa reproductive stage, at 20.9 porsiyento ang nasa maturing stage.

Ayon sa mga magsasaka, 314,890 ektarya o 37.6 porsiyento ng para sa Hulyo hanggang Set­yembre ang naitanim na.

Sa Hunyo 1, ang total na rice stocks inventory ay nairekord sa 2.598.34 million MT. Ang rice stocks inventory level sa mga sambahayan at commercial warehouses ay mababa ng 4.2 porsiyento at 21.0 porsiyento ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang banda, ang produksiyon ng mais para Abril-Hunyo 2019 ay maaring bumaba sa 1.15 million MT o ang 1.5 porsiyento mula Abril na tinatayang 1.17 million MT.

Kompara sa produksiyon ng mais sa parehong panahon ng nakaraang taon na 1.28 million MT, ang produksiyon ng Abril-Hunyo 2019 ng mais ay puwedeng bumaba ng 10.2 percent.

Ang lugar ng anihan ay puwede ring bumaba sa 374,840 ektarya, mula 392,360 ektarrya noong nagdaang taon.  Ang ani bawat ektarya ay puwede ring bumaba mula sa 3.27 MT sa 2018 hanggang 3.08 MT ngayong taon.

Sa 374,840 ektarya na updated standing crop, may 77.9 percent na ang naani.

Ang total na stock ng mais noong Hunyo ay umabot sa 859,770 MT. Lumago ito ng 45.2 porsiyento kompara sa  Hunyo 2018 inventory level na 592,010 MT.  PNA

Comments are closed.