PATULOY ang pagbuti ng produksiyon ng palay sa likod ng iba’t ibang programang pang-agrikultura ng gobyerno, pagbubunyag ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos na inilabas ng PSA kamakailan, ipinakitat rito ang produksiyon ng palay mula Enero-Marso na umakyat ng 4.61 metrikong tonelada (MT) mula sa 4.42 million MT na produksiyon sa parehong panahon noong 2017.
Ang produksiyon ng palay ay mataas din noong unang tatlong buwan ng 2017 kumpara sa 3.9 million MT na naprodyus noong parehong panahon ng 2016.
“Most regions had expansion in harvest areas because of the use of high-yielding varieties of seeds from the Rice Program Model Farm of Department of Agriculture (DA), adequate irrigation water supply, and sufficient rainfall during the planting period,” ayon sa report ng PSA ng first quarter.
Nakatulong din ang financial assistance galing sa Department of Agriculture( DA) at LGUs para matugunan ang produksiyon ng mga magsasaka, dagdag pa ng PSA.
Napansin ng PSA ang naturang financial assistance ay sa pamamagitan ng DA Production Loan Easy Access and Special Assistance for Agricultural Development programs, gayundin sa Bottoms-up Budgeting Program sa Mimaropa, Davao, at Socsargen regions.
“In Cagayan Valley, there were reports of early harvest from the second quarter to the first quarter as a result of higher trading price,” pahayag pa ng PSA.
Ang dagdag sa produksiyon ng palay ay nakapag-ambag sa 1.79 porsiyentong pagtaas sa crops sub-sector para sa January-March output ngayong taon, dagdag ng PSA.
Nakadagdag ang crops sub-sector para sa 53.76 porsiyento ng buong produksiyon ng agrikultura, base sa datos ng PSA.
Livestock, poultry, at fisheries sub-sectors ay nakapagbilang ng 16.96 porsiyento,15.93 porsiyento, at 13.36 porsiyento ayon sa pagkakasunod.
Sinabi ng PSA na ang Enero hanggang Marso na produksiyon ng agrikultura ng bansa ay lumago ng 1.47 porsiyento ngayong 2018 mula sa nakaraang taon. (PNA)
Comments are closed.