KUMPIYANSA ang Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na makababawi ang lokal na produksyon ng palay at mais sa susunod na taon.
Tinungkuran ni SINAG President Rosendo So ang pahayag ng Department of Agriculture na nahirapan ang lokal na produksyon ng palay dahil sa nagdaang El Niño at kalamidad na nagpadapa sa maraming sakahan sa bawat lalawigan.
Naniniwala ang SINAG na mas magiging maganda ang sitwasyon ng mga magsasaka sa pagpasok ng taong 2025 na makatutulong para makabalik sa 20 million metric tons ang kabuuang produksyon sa bansa.
Umaasa rin ang grupo na mababawasan pa ang pag-aangkat ng Pilipinas kasabay ng hirit na dagdag suporta para sa mga magsasaka.
Patuloy rin ang panawagan ng SINAG sa Kongreso na isabatas na ang panukalang magpapalakas sa sektor ng agrikultura, kabilang na ang livestock, poultry, dairy at corn tariff sa susunod na taon.
DWIZ 882