WINASAK ng mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) kamakailan ang PHP361,000 halaga ng sub-standard items na kanilang nakumpiska noong Disyembre.
Kasama ng kinatawan ng gumagawa ng mga produkto, sinira ng mga opisyal ng DTI ang mga gamit na tulad ng pitong flat glasses at Christmas lights, 90 angle bars at 2,490 steel bars na nakumpiska noong kanilang imbestigasyon noong Disyembre.
Isinagawa ang pagsira ng mga nakumpiskang gamit sa DTI warehouse sa siyudad.
“The products were confiscated last month in business establishments based on the complaint of some customers,” lahad ni Freda Gawisan, DTI-Benguet provincial director.
Sinabi ni Gawisan na ang mga establisimiyento kung saan nakumpiska ang mga gamit ay nauna nang binalaan laban sa pagtitinda ng produktong mababa ang pamantayan, na magtutulak sa ahensiya para magsampa ng nararapat na kaso sa korte.
Sinabi rin niya na sila ay sinamahan ng Philippine Steel Association representative Rudolp Miranda; June Vasquez of Ceramic Tile Manufacturer Association; Wilson Agno of Flat Glass Alliance of the Philippines; Nelson Gutierrez of Shape Angle Section Manufacturing, Inc; and Edgar Muratin of the Chamber of Philippine Electrical Wires Manufacturer, Inc. sa pag-iimbestiga ng mga nakumpiskang substandard items at noong pagsira sa mga ito.
“They are our partners. They go with us during inspections to certify if a product is substandard or not,” ani Gawisan.
Hinimok ni Gawisan ang publiko na maging masigasig at mapagsuri sa mga produktong binibili para maiwasan ang paggastos ng kanilang pera sa mga bagay na mababa ang kalidad.
Sinabi pa niya na importante sa konsyumer na maging sensitibo sa produktong binibili, lalo na sa mga construction materials na maaaring makasira ng kanilang real property o pagkawala ng buhay.
Ipinaliwanag ni Miranda na noong sinisira nila ang mga gamit na ang timbang ng angle bar ay 3.5 kilograms pero ang mga nakumpiska ay mas magaan ang timbang sa tamang standard.
“Those are cheaper but because it cannot carry the load of the concrete, the structure might collapse in time,” sabi ni Miranda.
Hinimok din ni Miranda ang mga konsyumer lalo na sa mga nagpapagawa ng bahay na suriin ang mga materyales na binibili para masiguro na ang mga produkto ay nasusunod ang safety standards. PNA