PROFILING NG PNP SA IBA’T IBANG GRUPO “MISINTERPRETATION”

Archie Gamboa

BAGUIO CITY – NANINIWALA si Philippine National Police (PNP) chief General Archie Francisco Gamboa na ang umano’y profiling sa iba’t ibang grupo sa Metro Manila ay isang maling pagkakaintindihan.

“It was also a misinterpretation,” pahayag ni Gamboa.

Una nang nakuwestiyon ang umano’y profiling sa lesbian,  gay, bisexual and transgender (LGBT)  community sa Makati City ka­makailan.

Gayundin ang umano’y ginawang profiling ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga Muslim student.

Dahil sa mga isyu ay pinaalalahanan ni Gamboa ang kanyang mga opisyal na maging maingat sa pagbibigay ng mga derektiba na makaaapekto sa isang grupo.

Noong Biyernes ng gabi binawi naman ni NCRPO chief Major General Debold Sinas ang memorandum hinggil sa updated list ng Muslim student sa high school, kolehiyo at mga unibersidad sa Metro Manila. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.