PROFILING SA TEACHERS ITINANGGI NG DEPED

PINABULAANAN  ng Department of Education ang akusasyon ng Alliance of Concerned Teachers may ginagawang profiling ang kagawaran sa mga guro.

Ayon sa ACT, inaatasan ng DepEd ang lahat ng regional directors at division superintendents na magsumite ng listahan ng mga guro na affiliated sa ACT.

“This statement is being issued to correct the wrong information and lies deliberately fed by ACT Teachers to the public on the Department of Education Automatic Payroll Deduction System (APDS),” pahayag ng DepEd.

Tiniyak ng DepEd na hindi nila tinatarget ang mga miyembro ng ACT. “The allegation that the memorandum was intended to profile the members of ACT Union as part of a supposed government anti-insurgency campaign is patently absurd, distorted, and followed no logic.”

Sabi ng DepEd, ang naturang request ay available sa publiko at walang intensyong gawing target ang mga miyembro ng ACT.

“The sole purpose of consolidating the list of APDS availees, from various organizations in the regions, is to centralize, connect, update, and improve the Department’s Human Resource Systems, including the APDS,” pahayag ng DepEd.

“This is especially relevant amidst the regular complaints from employees over inaccurate, questionable, and unwarranted salary deductions for loan remittances and membership dues,” sabi ng DepEd.

Ayon sa DepEd, tungkulin lamang ng kanilang hanay na pag-aralan ang reklamo ng mga empleyado para masigurong napoprotektahan ang karapatan ng bawat isa.