PROGRAMA NG DATING PNP CHIEFS ITUTULOY NI CARLOS

PARA kay Philippine National Police (PNP) Chief, Lt. Gen. Dionardo Carlos, wala nang babaguhin pa sa organisasyon dahil maayos at napapanahon na ang umiiiral na programa ng organisasyon.

Sa panayam kay Carlos na sapat na ang anim na buwan niya sa paglilingkod para maging maayos pa ang performance ng may 221,000 police force.

Ipinagmalaki pa nito ang mga programang sinimula ng mga dating PNP chiefs nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte mula kay Retired Generals at ngayon Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Oscar Albayalde, Archie Gamboa, Camilo Pancratius Cascolan, Undersecretary for the Office of the President; Debold Sinas at Guillermo Eleazar.

Sinabi pa ni Carlos na bawat hepe ay may kani-kaniyang ginawa para sa maayos na operasyon ng PNP.

Halimbawa aniya ang pinaigting na antii-illegal drug operations ni Bato, ang BMI policy ni Gamboa, ang Enhanced Managing Police Operations ni Cascolan, at ang Intesified Cleanliness Policy ni Eleazar.

“Itutuloy ko ang programa ng mga dating PNP chiefs dahil patungo naman sa kabutihan ng organisasyon ang mga iyon at kung gagawa pa ako ng bago baka kapusin ako,” ayon kay Carlos.

Sa ngayon, tutok ang operasyon ng PNP para sa nalalapit na halalan sa May 9, 2021.
EUNICE CELARIO