(Programa ng gobyerno tuloy-tuloy) PAGPUKSA SA GUTOM PINAIGTING

Karlo Nograles

PATULOY na nagsisikap ang gobyerno para mabura ang kagutuman sa Filipias.

Ito ay ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos na lumabas sa survey na 49 porsiyento ng mga Filipino ay nagsasabing sila ay mahirap.

Lumalabas sa   Social Weather Survey (SWS) na mula  Abril 28 hanggang Mayo 2, 2021, 17 porsiyento  lamang ng pamilyang Filipino ang naniniwalang sila ay  “not poor”, 49% ay “poor”, at 33% ay nasa  “borderline poor.”

Nobyembre  2020,  lumitaw rin sa SWS survey na 48%  ang nagsasabing sila ay “poor” o mahirap.

Sa tinatayang  12.4 milyong  “poor” families sa May 2021, 2.4 milyon  ang  “newly poor”, 1.2 milyon ang  “usually poor”, at  8.8 milyon  ay  “always poor”.

Sinabi ni Nograles, tagapangulo ng  Inter-Agency Task Force on Zero Hunger, inaasahan na ang nasabing mga pigura dahil na rin sa limitadong kabuhayan ng.mga Filipino dulot ng  Covid-19 pandemic.

Gayompaman, binigyang diin nito ang pagsisikap ng gobyerno sa pagbuo ng  Zero Hunger task force  ganoon din ang pagbuti ng food production ng  Department of Agriculture.

“We also believe that there is growing evidence that tells us that the government should stay the course in its programs while stepping up efforts to stamp out hunger,”  dagdag pa ni Nograles.

Sa data ng  Phi­lippine Statistics Authority (PSA), tumaas  mula sa  81.3% noong  2019 sa  83%  sa 2020 ang self sufficiency  na ibig sabihin at  83 porsiyento  ng food supply  noong  2020 ay galing sa bansa.

Inaalam din ng task force ang mga lugar na may kakapusan ng pagkain upang ito ay maresolba.

“Sana naman po kung sino yung susunod na administrasyon ay ipagpatuloy po nila kung ano ang nakalagay sa ating National Food Policy road map at kung maari pa nilang i-enhance, mas mabuti po,” ayon pa kay Nograles.

162 thoughts on “(Programa ng gobyerno tuloy-tuloy) PAGPUKSA SA GUTOM PINAIGTING”

Leave a Reply

Your email address will not be published.