PROGRAMA NI BONGBONG PARA SA MSMEs, APRUB KAY JOEY CONCEPCION

KUMPIYANSA  ang founder ng Go Negosyo na si Joey Concepcion na kapag nanalo si presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa darating na eleksiyon sa Mayo 9, 2022, lalago ang mga lokal na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) dahil sa kanyang mga inihandang programa.

Ayon pa kay Concepcion na isa ring business tycoon at kasalukuyang Presidential Adviser for Entrepreneurship, si Marcos ay isa sa mga kandidatong nakakaunawa kung paano papaunlarin ang sektor ng MSME ng bansa.

“Judging from the platforms they have presented on Go Negosyo’s KandidaTalks forum, both of them understand and prioritize the development of the MSME (micro, small and medium enterprises) sector,” sabi ni Concepcion sa isang pahayag.

Kung matatandaan, unang dumalo si Marcos sa GoNegosyo Kandidatalks noong Disyembre 2021, kung saan tinalakay niya ang rationalization ng mga buwis at pagbibigay ng bahagi ng Internal Revenue Allotment (IRA) sa MSMEs, gayundin ang paglikha ng credit rating scores para sa MSMEs.

Binigyang-diin rin ni Marcos Jr. sa nasabing pagtitipon ang mahalagang papel na gagampanan ng MSMEs sa ating pagsisikap na makabangon mula sa negatibong epekto ng pandemyang Covid19.

“People need jobs, and the biggest bang for our buck are the MSMEs. The effect of any effort we have to help MSMEs will be felt immediately,” saad ni Marcos .

Idinagdag pa niya na karamihan ng mga negosyanteng may-ari ng mga MSMEs ay dumaranas ng matinding stress dahil naubos na ang ipon o baon sa utang dahil napilitang manghiram ng puhunan.

Maliban rito, isinusulong din niya ang pagkakaroon ng ayuda para sa mga MSMEs katulad ng 4Ps na ipinamamahagi sa mga mahihirap na benepisyaryo.

“Most people are willing to become entrepreneurs, but we find MSMEs in a difficult situation… If we have ayuda for individuals, we should have ayuda for MSMEs,” dagdag pa ni Marcos.
Concepcion added that the incoming administration should focus on developing MSMEs to address poverty and create prosperity for Filipinos.

Sinabi rin ni Concepcion na dapat tutukan ng papasok na administrasyon ang pagsuporta sa mga MSMEs upang matugunan ang kahirapan at mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino.

“One of the biggest challenges that we face is the level of poverty in this country. To create prosperity for every Filipino, MSMEs have to be among the top focus of the next administration,” dagdag pa ni Concepcion.

Siniguro naman ni Marcos at ng kanyang running-mate na si vice-presidential bet Inday Sara Duterte na ipapagpatuloy nila ang Build, Build, Build program na nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Itinataguyod ng UniTeam ang pagkakaisa sa mga Pilipino bilang mahalagang unang hakbang tungo sa pagbangon mula sa pandemya at hinihimok ang lahat na sumali sa ‘Kilusan ng Pagkakaisa’ upang makatulong sa pagsasaayos ng bansa.