PROGRAMA PARA SA KASANAYAN NG SMC AT TESDA DADALHIN SA MAS MARAMING LALAWIGAN

PALALAWIGIN pa ng San Miguel Corporation (SMC) ang skills development program nito sa tulong ng Technical Skills Development Authority (TESDA) sa mas marami pang lalawigan habang tutulungan din nito ang maliliit na negosyo sa Bulacan.

“As our economy starts opening up, there is an urgent need to help the poorest and most disadvantaged sectors get back on their feet. Many have lost their jobs or small businesses during this pandemic, and what we aim to do is upskill them, so they can pursue better job opportunities and help them start or restart their small businesses and allow them to participate in the economy’s growth post-pandemic,” wika ni SMC president Ramon S. Ang.

Umaabot na sa halos 1,000 katao mula sa Talitip at iba pang coastal barangays sa Bulacan, kung saan itatayo ang New Manila International Airport at Aerocity,  at 300 pamilya sa Sariaya, Quezon kung saan may itatayong agro-industrial facility ang nabigyan ng training.

Kasalukuyang isinasagawa rin ang training sa General Santos City at dadalhin ito sa Bataan, Batangas, at Davao.

Binigyan din ng kompanya ng karagdagang capital assistance ang mahigit sa 100 pamilya sa Bulacan para makapagtayo o karagdagang puhunan sa kanilang mga negosyo.

Nagpasalamat si Ang sa TESDA dahil kahit na may limitasyon ang face-to-face training dahil sa pandemya ay umabot sa 1,000 katao ang sumali sa programa.

“We thank the TESDA headed by Isidro Lapena for joining us in this effort that combines the resources of San Miguel and TESDA, to work for the good of many. We are looking forward to the expansion of this program to more provinces nationwide, and seeing its transformative impact on  our countrymen who are looking to  recover from the pandemic,” ani Ang.

Matagal nang kasama ng SMC ang TESDA sa corporate social responsibility (CSR) programs nito sa ilalim ng San Miguel Foundation (SMF).

Sa ilalim ng MOA sa SMC ay sagot ng TESDA ang skills training, training venues, assessments, at  certificates of competency.

Pinopondohan naman ng SMC ang training fees, assessment fees, at ibang pang gastusin ng trainees na hindi qualified sa regular TESDA scholarship. Sagot din ng SMC ang transportation at  food allowance sa training.

Ang mga training program na umaabot ng dalawa hanggang 36 na araw ay naisagawa sa Bulacan, Sariaya in Quezon province, at General Santos City.