PROGRAMA SA SOLVENT BOYS ARANGKADA NA

PDEA

QUEZON CITY – NILAGDAAN ang kasunduan para sa programang “Sagip Batang Solvent” Reformation Center ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Quezon City government kung saan bubuksan ang pansamantalang matutuluyan at mabigyan ng programa ang mga kabataang naliligaw ng landas na minsan ding na-hook sa pagsinghot ng solvent.

Ayon pa kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang programa ang sasagip sa mga kabataan na nasa kalsada.

Kasama ni Aquino ang matataas na opisyal ng Quezon City sa  “Bahay Pangarap”, para sa mga outreach drug dependent reha-bilitation shelter na matatagpuan sa Clemente Subdivision, Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Ang  “Sagip Batang Solvent Reformation Center” ay bubuksan matapos ang isang buwan kung saan makikinabang ang may 60 mga kabataang unang ilalagak doon.

Ang Sagip Batang Solvent Reformation Center ay isang gender-segregated facility kung saan priority nito ang mga tenant ay mga street children na nasa edad na 10 taon pababa at magbibigay ng basic at special amenities kabilang ang  bedrooms, mess hall, kitchen, comfort rooms, receiving and entertainment room, study room and library, multi-purpose hall, music room, training room, garden, playground, fence, service vehicle, security at staff na magma-manage ng naturang pasilidad. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.