PROGRAMA VS COVID-19 PINAMAMADALI

Senate President Vicente Sotto III-3

UMAASA si Senate President Vicente Sotto III na mamadaliin  ang pagpapatupad sa mga programang inihayag  ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa hakbang ng gobyerno sa COVID-19.

Sinabi ni Sotto na ang isinumiteng weekly report sa Congress ng Pangulo ay  ” very long at incisive.”

Aniya, naipakita rin sa report na sumusunod ang Ehekutibo sa Bayanihan Act sa inilatag nilang programa noong nakaraang linggo ay ipinapatupad na ito ngayon.

Nitong Lunes ng gabi ay isinumite sa Kongreso  ng Pangulo ang ikalawang linggong report nila.

Kabilang sa mga programang nakasaad sa ikalawang report ng Ehekutibo ay ang Livelihood Assistance Grant (LAG) na ilalabas sa Abril 14  na maaaring gamitin ng mga benepisyaryo na kapital bilang tulong sa micro enterprises at iba pa.

Ang Sustainable Livelihood Program-National Program Management Office ang kasalukuyang gumagawa ng supplemental guidelines para sa pagpapalabas ng LAG.

Nakasaad din sa report, ang pagbibigay ng financial assistance sa local government units para dagdag sa pagtugon para labanan ang pagkalat ng COVID-19 ay ilalabas na rin ng Department of Budget and Management.

Ang funding assistance umano ay katumbas ng isang buwang Internal revenue allotment  (IRA) ng LGUs na may kabuuang P30,824 bilyon. VICKY CERVALES

Comments are closed.