MAHIGIT isang taon na mula nang yanigin ng pandemyang COVID-19 ang buong mundo ngunit nananatiling matindi ang ating laban kontra COVID-19. Sa panahon ng krisis ay likas na lumalabas sa ating mga Filipino ang diwa ng Bayanihan.
Upang mas mapaigting ang laban kontra COVID-19, nagsanib-puwersa ang pamahalaan at ang pribadong sektor sa pagsiguro na mayroong sapat na bilang ng dosis ng bakuna na papasok sa bansa upang makamit natin ang herd immunity.
Noong Marso ng taong kasalukuyan, pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kompanya na bumili ng dosis ng bakuna para sa mga empleyado nito. Sa bisa ng tripartite agreement sa pagitan ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga parmasyutikal na kompanya ay nabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng pribadong sektor na bumili ng dosis ng bakuna para sa mga empleyado nito.
Ayon sa paliwanag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, dahil emergency use authorization pa lamang ang naibigay sa mga parmasyutikal na kompanya, hindi maaaring ibenta sa merkado ang bakuna. Ang lahat ng negosasyon ukol sa pagbili ng bakuna ay kinakailangang dumaan sa pamahalaan.
Dagdag na paliwanag ni Concepcion na kinakailangan ang tripartite agreement dahil walang kakayahan ang pamahalaan na magbayad ng danyos sakaling may maging malalang epekto ang bakuna sa mga miyembro ng pribadong sektor na nabakunahan sa ilalim ng kanilang programa.
Ang desisyong ito ng mga miyembro ng pribadong sektor ukol sa pagbili ng dosis ng bakuna para sa mga empleyado nito ay maituturing na malaking tulong sa pagpapabilis ng pagpapabakuna ng mga mamamayan. Mas mabilis nating makakamit ang herd immunity bilang resulta ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
Ang MVP Group na pinamumunuan ng negosyante at pilantropong si Manny V. Pangilinan ay isa sa mga grupo ng kompanyang nagdesisyon bumili ng bakuna para sa mga empleyado nito. Noong ika-2 ng Hulyo sa Meralco Compoud sa Pasig ay opisyal na nitong inilunsad ang kanilang programang pagpapabakuna para sa 60,000 na empleyado na miyembro nito.
Sa pangangasiwa ng MVP Group Vaccine Task Force, naipamahagi na ang unang batch ng bakuna mula sa Moderna sa ilang empleyado na miyembro ng MVP Group.
Ang napiling lugar kung saan inilunsad ang programa ay isa sa mga pasilidad kung saan isasagawa ang pamamahagi ng bakuna sa mga empleyado sa NCR. Kabilang din sa mga napiling pasilidad ang PLDT Sta. Ana sa Manila, Smart Tower sa Makati, Maynilad Balara sa Quezon City, at NLEX Sta. Rita sa Bulacan na siyang bubuksan sa ikalawang linggo ng buwang ito.
“Our vaccinees, through the essential services we offer groupwide – from hospitals, telecommunications and digital services, electricity, water, tollways and road infrastructure, media, and more — have been and will continue to be the key source of stability as the Philippines emerges from this global crisis,” pahayag ni Pangilinan.
Ang bawat napiling pasilidad ay tatauhan ng mga frontliner mula sa Metro Pacific Hospitals Holdings Inc. (MPHHI), ang pinakamalaking pribadong healthcare network sa bansa na miyembro rin ng MVP Group. Inaasahang aabot sa 700 hanggang 1,350 na empleyado ang mababakunahan kada araw.
Para sa mga lugar na nasa labas ng NCR, gagamitin ng Vaccine Task Force, ang kombinasyon ng MPPHI, iba pang pasilidad ng grupo, at mga piling mall sa bansa.
Dati nang inanunsiyo ng grupo na ang MVP Group Vaccine Task Force ay bumili ng bakuna mula sa Moderna at AstraZeneca ng may kabuuang bilang na 300,000 na dosis ng bakuna. Ito ay nakalaan para sa mga empleyado, mga rehistradong dependent ng mga empleyado, iba pang kasama sa bahay, at iba pang idibidwal na nagbibigay serbisyo sa MVP Group. “Any talk about ending this pandemic begins with a fundamental imperative: the successful rollout of ethically-procured, safe, and effective vaccines to a significant majority of our people,” pahayag ni Pangilinan.
Ipinaliwanag ni Pangilinan na, “Inoculating the population from the virus does not just reduce the number of infections and deaths—but minimizes the possibility of new mutations and variants, taking us a step closer towards the paramount goal of herd immunity.”
Bago inumpisahan ang pamamahagi ng bakuna, naglunsad din ang grupo ng malawakang kampanya upang maibahagi ang impormasyon ukol sa bakuna at upang hikayatin ang mga empleyado na magpabakuna.
Ang MVP Group Vaccination Program ay bahagi ng suporta ng grupo sa programang pagpapabakuna na pinangangasiwaan ng pamahalaan. Noong unang bahagi ng taon, tumulong ang MVP Group sa programang pagpapabakuna ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pag-aalok na gamitin ang kapasidad ng mga malalaki nitong ospital sa NCR. Bilang resulta ay nakamit ang 98% na antas ng nabakunahang frontliner noong Marso 2021.
Nakiisa rin ang MVP Group sa pamahalaan at iba pang miyembro ng pribadong sektor sa opisyal na pagsisimula ng pamamahagi ng bakuna sa mga indibidwal na kabilang sa kategoryang A4 noong nakaraang buwan. Ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan sa National Task Force Against COVID-19, Taskforce T3 (Test, Trace and Treat), at ng Department of Health.
Napakahalaga ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor, hindi lamang sa pamamahagi ng bakuna, kundi sa muling pagbangon ng ating bansa mula sa epekto ng pandemyang COVID-19. Nawa’y ang pagtutulungan na ito ay magbunga ng ating mas mabilis na pagkamit sa herd immunity. Dapat din nating ipagpasalamat ang inisyatiba ng pribadong sektor na tulungang mapabakunahan ang mga empleyado nito, kasama na rin ang mga pamilya at kasama sa bahay. Panatilihin nating buhay ang diwa ng malasakit at Bayanihan, may krisis man o wala.
68665 807607Hiya. Really cool website!! Man .. Beautiful .. Great .. I will bookmark your web internet site and take the feeds additionallyI am pleased to discover numerous helpful details here within the post. Thank you for sharing 501158
203812 750811You produced some decent points there. I looked on the internet for the issue and located most individuals will go along with with your internet site. 849422
259004 256440I besides believe therefore , perfectly composed post! . 89931
565762 754634I consider something really unique in this web site. 671331
700329 462805Cheapest speeches and toasts, as properly as toasts. probably are created building your own at the party and will probably be most likely to turn into witty, humorous so new even. very best man toast 324620