BUHAY na buhay ang sining ng panitikan sa pagdiriwang ng PASINAYA Festival 2023 sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas bukas, Sabado, hanggang sa Linggo, ika-5 ng Pebrero.
May mga face-to-face workshops, performances, film screenings, exhibitions, art market, at iba pa. Gaganapin ang mga ito sa CCP Complex at sa mga piling museums sa Metro Manila. 50 pesos lang ang suggested donation para sa bawat session. Ang sumusunod na programa ay hatid ng Intertextual Division sa patnubay ng CCP Cultural Content Department. Narito ang detalye ng programang pampanitikan ng PASINAYA Multi-Arts Festival 2023.
Literary Workshops, Feb. 4
8:30-9:00 n.u. Storytelling Workshop ni Teacher Mars Mercado at ang Art Session ni Teacher Ann Millendez sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge
11:00-11:30 n.u. Kuwento, Dula, at Relikya Workshop ng Aklat Mirasol sa Liwasang Kalikasan, Tent 1
11:30-12:00 n.t. Creative Reading ng Barako, Baraking Storybook Workshop para sa Southern Voices Printing Press sa Liwasang Kalikasan, Tent 1
3:30-4:00 n.h. Book Talakayan ng Alon at Lila, kasama ang Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) Book Club sa Tanghalang Ignacio Gimenez, Parking Tiangge
Literary Performances, Feb. 4
10:00-10:30 n.u. LIRAhan: Pasinaya poetry reading ng grupong Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo sa National Museum – Fine Arts
11:00-11:30 n.u. Palaisipan ng mentalist performer na si Justine Piñon sa National Museum – Fine Arts
11:00-11:30 n.u. LILA Poetry Reading, kasama ang mga makatang LILA sa Philippine Women’s University – SFAD Gallery
1:00-1:30 n.t. The Reddest Rose Unfolds ng theater actress na si Bianca Louise Gabon at Milflores Publishing sa National Museum – Fine Arts
1:00-1:30 n.t. Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board – Philippines sa Museo Pambata
2:00-2:30 n.t. Booklatan at Bahaginan storytelling ng National Book Development Board – Philippines sa Museo Pambata
2:00-2:30 n.t. Luna Writers poetry reading ng mga manunulat ng Luna Literary Journal at Good Intention Books sa National Museum – Fine Arts
Feb. 5
2:00-2:30 n.t. Tindig, kasama ang Sining Tanghal Laboratoryo (SINTALAB), at Kapisanan ng mga Mag-aaral na Manunulat sa Filipino (KAMMFIL) mula Quezon sa CCP – Liwasang
Kalikasan
5:30-6:00 n.h. Dapat Ba o Hindi Dapat Pagtiwalaan ang Social Media bilang Daluyan ng Impormasyon ng PNU Balagtasan/Kadipan sa CCP – Vicente Sotto