PROGRAMANG PANGKABUHAYAN PARA SA MGA KATUTUBO

PIGGERY

MAAARI nang mangutang ang mga katutubo sa ilalim ng programang pangkabuhayan ng Department of Agriculture (DA).

Sa ilalim ng programang Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo o 4K na inilunsad ng kagawaran kahapon, ang mga benepisyaryong katutubo ay maaaring manghiram ng hanggang P300,000 sa kada limang ektaryang lupain na ancestral domain.

Maaaring bayaran ang loan ng P5,000 kada buwan at  hindi ito papatawan ng interes.

Sasanayin din ang mga katutubo na magtanim ng iba’t ibang mapagkakakitaang puno at mag-alaga ng mga hayop tulad ng baboy, kambing at manok.

Tinatayang nasa P1 milyon kada ektarya ang kikitain ng mga benepisyaryo ng programa.

Ayon sa DA, nasa 20,000 pamilya ang makikinabang sa programa.

Comments are closed.