“PROJECT ALIS LUNGKOT” INILUNSAD SA OSPITAL NG SAMPALOC

OSPITAL NG SAMPALOC

PORMAL nang inilunsad ng Ospital ng Sampaloc (OSSAM) ang “Project Alis Lungkot” para sa mga pasyente na nasa isolation upang makasagap ng libreng internet access para makausap ang kani-kanilang mga pamilya habang nasa ospital.

Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno”Domagoso ,umaasa siya na makakabawas ito sa stress na nararanasan ng ating mga pasy-ente habang sila ay tuluyang nagpapagaling sa sakit na COVID-19 o sa iba pang mga karamdaman.

Nabatid na ang maayos na internet access ay makatutulong din sa OSSAM hospital workers na mas episyenteng makapaghatid ng serbisyo.

Pinuri ni Moreno si OSSAM Hospital Director Aileen Lacsamana, ang OSSAM Public Information Office at ang kanilang Information and Communication Technology (ICT) division dahil sa nabanggit na inisyatiba. PAUL ROLDAN

Comments are closed.