IPINATUTUPAD na ni Eastern Police District acting Director Col. Wilson Asueta, ang Project Estomo na layong magdagdag ng mga pulis sa lansangan at malls o ang tinatawag na police visibility sa nasasakupan nitong distrito kabilang ang Pasig, Mandaluyong, San Juan at Marikina.
“Ilalabas natin lahat ang mga kapulisan natin na nasa 3,000 plus police force ng EPD ang kailangan tulong tulong lang po tayo sa pagpapahalaga ng ating peace and order sa ating mga kababayan ganun din sila kung lalabas sila sa bahay nila i-ensure din naman nila na secured ang kanilang mga pamamahay so, sa kanila pa rin kailangan may preventive measures din sila at ang ating mga kapulisan nandyan lang kakampi nyo, sagot namin ang pagtulong in terms of crime prevention and control,” ani Asueta.
Ayon kay Asueta, ang Project Estomo ay brainchild ng ni NCRPO Regional Director Major General Jonel Estomo na gustong ipaabot at ipakita sa mamamayan na ang mga pulis ay marunong sa combat techniques para maipakita ang rule of law sa pagresponde kung meron mga krimen na nangyayari na hindi agad gagamitan ng lethal weapons na siyang dapat na last resort.
Gayundin, aniya dapat ang patrollers ay marunong sa karate o anumang discipline sa martial arts para maiwasan na humawak kaagad ng baril.
“ Itong ginagawa ng ating mga kapulisan sa EPD continuing po ito so required po sila na every weekend they have that schedule na activity for that purpose…ito yung mga bibigyan ng focus ung karate, aikido, judo at lahat ng mga discipline na pwedeng magamit sa pagpupulis natin we want to develop yung basic skills nila sa martial arts,” dagdag ni Col. Asueta. ELMA MORALES