‘PROJECT USIG’ VS GOV’T OFFICIALS

Erick Balane Finance Insider

HINIHINTAY na lamang ni ­Pangulong ­Rodrigo Duterte ang magiging resulta ng ‘lifestyle check’ na isinasagawa ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa mga opisyal ng Bureau of Internal Re­venue, Bureau of Customs, Philippine Charity Sweep-stakes Office, Department of Transportation, Department of Public Works and Highways at Department of Environment and Natural Resources para sibakin sa puwesto ang mga tiwali sa gobyerno.

“My estimate is at least 200 government officials investigated under ‘Project Usig’ that will be tasked to conduct the lifestyle check against corrupt govenment officials from the BIR, BOC, PCSO, DOTr, DPWH and DENR as well as to file corresponding charges against them,” ani PACC Commissioner Greco Belgica.

Ang deadline ng pagsusumite ni Commissioner Belgica ng kanyang investigation report kay Presidente Duterte ay ngayong buwan ng Oktubre kaya inaasahan ang paggulong ng mga ulong tatamaan ng ‘lifestyle check’ na isinasagawa ng PACC.

Sa BIR, kasama sa isinailalim sa ‘lifestyle check’ ang mga naging biktima ng KFR (kidnap for ransom) syndicate sa pagkakaroon umano ng ill-gotten wealth.

“We will be conducting in compliance with the orders of President Duterte to eradicate corruption, we will conduct investigations and lifestyle check against the top officials of the agencies,” sabi pa ni Commissioner Belgica.

Ipinaliwanag ni  Belgica na ipinasama ng Malacañang sa imbestigasyon  ang mga opisyal ng PCSO kaya pinagsumite ang mga ito ng statement of assets, liabilities and net worth, gayundin ang mga opis­yal ng DOTr sa kahilingan na rin ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Nakatutok ang imbestigasyon ng PACC sa mga opisyal ng BIR at BOC dahil sa talamak na korupsiyon  sa naturang mga tanggapan.

Isinailalim ng PACC sa lifestyle check ang BIR dahil sa dumara­ming mga opisyal nito na sangkot sa extortion at  inirereklamo ng mga taxpayer sa sobrang laki ng hinihinging lagay o kotong.

Sa kanyang pagda­ting mula sa Russia ay inaasahang makiki­pagpulong si Pangulong Duterte sa PACC para alamin ang resulta ng imbestigasyon nito sa ilalim ng ‘Project Usig’ at masentensiyahan ang mga sangkot sa korupsiyon.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344/ 09266481092 o mag-email sa [email protected].

Comments are closed.