PROJECTED INCOME DISTRIBUTION NG PAGCOR TUMAAS SA 2020

PAGCOR-3

TUMAAS sa 2020 ang projected income distribution ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o (Pagcor).

Humarap sa pagdinig ng 2020 national budget si Pagcor Vice President James Patrick Bondoc habang no show naman si Pagcor Chief Andrea Do-mingo.

Mula sa P73.887 billion estimated income distribution ngayong 2019, tumaas sa P75.178 billion ang projected income distribution ng Pagcor para sa susunod na taon.

Tumaas din sa P34.923 billion ang government share ng Pagcor kumpara sa share na naibigay sa pamahalaan na nasa P27.174 billion noong 2017 at P32.170 billion noong 2018.

Sa kabilang banda, humigit kumulang P3 billion naman ang ibinaba sa share ng Pagcor sa mga socio-civic project na nasa P8.803 billion na lamang sa 2020 mula sa P11.856 billion ngayong taon.

Samantala, ipinagmalaki naman ng Pagcor ang pagtaas sa P104.12 billion na kita noong 2018 na halos kalahating porsiyento ang itinaas sa P59.85 billion noong 2017.

Sa 1st half ng 2019 o mula Enero hanggang Hunyo, nasa P38.08 billion na ang kinita habang P27.56 billion ang naiaambag na ng ahensiya na alokasyon para sa nation-building. CONDE BATAC

Comments are closed.